Ano ba karapatan natin magtanong ng.."Bakit nangyari ito sa akin, bakit sya pa... Bakit ang malas ng taon na ito, hindi na ba ako makaka ahon sa hirap at lungkot, mag isa na naman ako, bakit palagi na lang ako niloloko,....
Sa gitna ba ng tagumpay, biyaya at saya... Nagtanong din ba tayo bakit ito dumating sa buhay natin?
0 Comments
Tao nga naman.. Hindi makabitaw sa Nakaraan, panay reklamo sa Ngayon At takot na takot sa Bukas..
Ang Tagumpay ay isang panauhin na kahit kelan hindi bumisita sa Tamad..
Sabi ni Dad...huwag sa sobra, kumplikado masyado... Huwag din sa Wala..Agrabyado! Dun ka sa Sapat.. Sabay kyong magsikap at umunlad.Sabi ko,"Dad, parang ang hirap naman nun?"sagot nya... Mas mainam ang Pinaghirapan at Pinagsikapan,Dyan nagsisimula pagpapahalaga..
Paulit ulit lang di pa din natuto...
1.Sa gitna ng galit o saya.. Wag na wag magdesisyon ng kahit ano.. 2.Tratuhin natin bawat araw sa buhay natin bilang huli na natin sa mundo.Pag may namatay tsaka bumabawi at nagsisisi...palakasan ng iyak? 3.yang Attitude na yan!!! Ikaw ang dadalhin nyan, buti kong maganda... O,kaw ang dapat bumitbit nyan. Ika nga ikaw ang may control.. 4.Maturity... Basehan nyan ay ang mga karanasan natin sa buhay at ano ang natutunan natin. Di sa ilan taon na tayong nabubuhay sa mundong ibabaw... 5.di purket madalas magtalo ay hindi na nila mahal ang isa't isa.. Pag hindi nagtatalo, di ibig sabiihin ay mahal nila ang isa't isa.. 6.Ang buhay natin kayang baguhin Sa isang iglap ng taong di natin kakilala... 7.hindi lahat ng titulo na nakasabit sa dingding ng bahay mo eh sukatan ng pagkatao mo.. May mga napupunta nga ng recto mas mataas pa naabot kaysa sa iba. Nabibili nga lang yan eh..Tandaan.. Learning takes place outside the school! 8.Huwag atat malaman ang isang sekreto.. Minsan ito ang makakapagpabago ng minsan tahimik mong buhay.. 9. Sa buhay.. Isa kong natutunan ay hindi natin kailangan baguhin ang atin kaibigan.. Pero kailangan natin intindihin at tanggapin na ang kaibigan ay pwedeng magbago... Marami pang dapat isaksak sa kokote natin.. Minsan di ko maintindihan kung masarap ba talagang naloloko at nasasaktan. Tanong lang naman..... Huwag ka ng maghanap ng taong makapagbabago ng buhay mo. Simple lang naman... Tumingin ka lang sa salamin.. Diba?
Hinding hindi mapupunta and dapat sa iyo kung di mo kyang pakawalan ang di para sayo...
Pag tapos na... Tama na.. Wag na bumalik pa kahit yun ang pinakamahirap na gagawin ng isang taong nasaktan ng sobra.. Sa wikang ingles.. Ika nga.."Move On"... Tignan mo si Cinderella, kung binalikan nya ba ang naiwan sapatos magiging prinsesa ba sya?
Ong Bag on Mother's Day:
Maiba naman tayo. Sa nalalapit na araw ng mga Ina, Nanay, Mommy, Momsie, Mamang, Inang, Mamu, Mamita, Mader, Mudra, Mother etc.. 1. Sa mga nagpalaglag ng sanggol at magpapalaglag pa lang... Maligayang pagbati mahal namin Ina... Mula sa langit.. 2. United Colors of Bennetton: napakaraming lahi sa buong mundo.. Ano yan ubusan ng lahi? From the universe... Happy mother's day.. 3. Bugaw... mayaman lang ang dapat mapangasawa ng anak..nireto kay kumpare kay governor kay mayor...kay Senador... Nasa impyerno ang Bangko nyan wala sa Langit... From the truly rich club... Happy mother's day.. 4. Favoratism.. Unfair naman.. Paborito si bunso,iba ang ulam kay panganay... Paborito si gitna mas malambing...Ano ba yan!!! Dalawa lang kayo...pag mas malapit sa ama halos mamatay sa selos ang ina.. Pero ang damdamin ng hindi paborito di iniintindi! Mula kay Panganay, Gitna, Bunso, Junior,3rd,2nd..1st... Happy Mother's day.. 5. Population Boom: Taon taon buntis at mga anak ang tagapag alaga,nakalimutan na bawat bata ay may karapatan maranasan at lasapin ang bawat yugto sa buhay nila.. Masyadong maaga naisabak sa buhay na dapat si nanay ang gumagawa... Mula sa Rh bill... Happy mother's day.. 6. Sweet Sixteen... Nagdalaga at nagbinata na ang mga anak... Kasabay pa mag Date kasama ang bagong Boyfriend ni nanay.. Wow.. Foursome! Mula sa Family Circle Counseling group.. Maligayang araw ng mga ina.. 7. Mission and Vision.. Anak punta ka ng japan.. Pagdating mo doon mag asawa ka ng hapon ha.. Pambihira naman... Sa madalaian inlilagay ang anak.. Mula sa Japan... Haha no hi omedetou okasan!!! 7. Tounge Twister: Umaga tanghali gabi.. Puro mura na lang naririnig.. Lahat mali, wala ng nagawang tama... Mula kay ka Fredie na umawit ng Estudyante Blues... Maligayang pagbati sa lahat ng mga ina.. Bato Bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Maligayang araw sa lahat ng Ina sa buong mundo... Nawa'y ang ating gawing modelo ay ang ating kaisa isang Inang Birhen Maria... Ang Pag-ibig minsan ay "By Chance".. Pag nawala, "By Choice"
|
AuthorKiel Ocampo Martin born August 2nd year 1969. She is a pure bred "Paulinian" of Manila. Graduated in 1989 completing AB Mass Comm. She then ventured in teaching for Primary and Secondary Level for Letran College. ArchivesCategories
All
|