Sabi ni Dad...huwag sa sobra, kumplikado masyado... Huwag din sa Wala..Agrabyado! Dun ka sa Sapat.. Sabay kyong magsikap at umunlad.Sabi ko,"Dad, parang ang hirap naman nun?"sagot nya... Mas mainam ang Pinaghirapan at Pinagsikapan,Dyan nagsisimula pagpapahalaga..
0 Comments
Ong Bag on Mother's Day:
Maiba naman tayo. Sa nalalapit na araw ng mga Ina, Nanay, Mommy, Momsie, Mamang, Inang, Mamu, Mamita, Mader, Mudra, Mother etc.. 1. Sa mga nagpalaglag ng sanggol at magpapalaglag pa lang... Maligayang pagbati mahal namin Ina... Mula sa langit.. 2. United Colors of Bennetton: napakaraming lahi sa buong mundo.. Ano yan ubusan ng lahi? From the universe... Happy mother's day.. 3. Bugaw... mayaman lang ang dapat mapangasawa ng anak..nireto kay kumpare kay governor kay mayor...kay Senador... Nasa impyerno ang Bangko nyan wala sa Langit... From the truly rich club... Happy mother's day.. 4. Favoratism.. Unfair naman.. Paborito si bunso,iba ang ulam kay panganay... Paborito si gitna mas malambing...Ano ba yan!!! Dalawa lang kayo...pag mas malapit sa ama halos mamatay sa selos ang ina.. Pero ang damdamin ng hindi paborito di iniintindi! Mula kay Panganay, Gitna, Bunso, Junior,3rd,2nd..1st... Happy Mother's day.. 5. Population Boom: Taon taon buntis at mga anak ang tagapag alaga,nakalimutan na bawat bata ay may karapatan maranasan at lasapin ang bawat yugto sa buhay nila.. Masyadong maaga naisabak sa buhay na dapat si nanay ang gumagawa... Mula sa Rh bill... Happy mother's day.. 6. Sweet Sixteen... Nagdalaga at nagbinata na ang mga anak... Kasabay pa mag Date kasama ang bagong Boyfriend ni nanay.. Wow.. Foursome! Mula sa Family Circle Counseling group.. Maligayang araw ng mga ina.. 7. Mission and Vision.. Anak punta ka ng japan.. Pagdating mo doon mag asawa ka ng hapon ha.. Pambihira naman... Sa madalaian inlilagay ang anak.. Mula sa Japan... Haha no hi omedetou okasan!!! 7. Tounge Twister: Umaga tanghali gabi.. Puro mura na lang naririnig.. Lahat mali, wala ng nagawang tama... Mula kay ka Fredie na umawit ng Estudyante Blues... Maligayang pagbati sa lahat ng mga ina.. Bato Bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Maligayang araw sa lahat ng Ina sa buong mundo... Nawa'y ang ating gawing modelo ay ang ating kaisa isang Inang Birhen Maria... Ang Pag-ibig minsan ay "By Chance".. Pag nawala, "By Choice"
Sa larangan ng Pag-ibig... Magmahal ka kapag handa ka na... Di ung kapag nalulungkot ka..
Ang Tunay na pag-ibig ay pwedeng maihalintulad sa pag inom ng Kape..araw-araw iniinom, hindi nakakasawa..pag mulat ng mata, ito ang pangalawang dadampi sa mga labi natin,matapos ang isang matamis na halik sa mga mahal natin sa buhay.... Kahit napaka init ng panahon, hinahanap hanap pa din..sa gitna ng pagod at problema... Karamay natin ang kape...diba?
Sa pagkakaalam ko..Ang taong mahal ka. Hindi yung nakikita ka araw-araw.. Siya yung hinahanap ka araw-araw...
Ano? Type mo? Pa cute ka naman!!! Aaaaah... Paghanga lang.
Sige... Pero pwede bang iayos nati to sa..."Libre Tingin...Bawal Hipuin" Sabi nang Una:"Salamat dumating ka sa buhay ko..."
Sabi ng Pangalawa:"Mahal na mahal kita...Ikaw lang" Sabi ng Pangatlo:Pangako... Hindi kita iiwan... Sabi ng Pang Apat:"ikaw ang buhay ko" At... Marami pang PANGAKO at nangako na nauwi sa Pagkakapako... Sa Larangan ng pagibig, hindi kailngan ang mga PANGAKO.. Ang salitang ito'y kapag pinaghiwalay ay.. PANG-AKO... Pang sarili at Pag ako.. Hindi naman kailangan akuin ang buong mundo.. Dapat lang handa ka sa mga kabanatang masasaksihan mo... Bida ka man o hindi..Sa batas ng Pag ibig..Isa lang ang dapat mahalin... Dahil kung sadyang mapaglaro ka lng... Karapat dapat lang ang PANGAKO... Huwag!! Sabi huwag eh... Huwag sobra!! Wag sobrang sobra!!!!tama lang na huwag natin kalimutan mahalin sarili natin.. Ung sapat lang...diba lahat ng sobra natatapon lang? Basong puno ng tubig....punuin mo pa? Tapon db?kaya kung mas mahal natin ang sarili natin... Wag na magmahal ng iba... Dahil kung sarili lng ang gustong punuan, wala tayong pagkukunan ng ibabahagi sa iba...
Di pwede ung natapon lng ang ibabahagi natin... Di pwede....di talaga!!! Oo at Hindi lang ang sagot na pagpipilian, hirap na hirap pa...Babala:Ang taong pumapagitna at di matiyak kung Oo ba o Hindi ang kasagutan sa isang katanungan, panay depensa lang ay dapat munang aralin kung ano ang kahulugan ng OO at HINDI.. Ang tawag sa mga taong ganito ay SAFE MODE... Ikaw ba gusto mo ang computer mo sa safe mode na lng palagi?
|
AuthorKiel Ocampo Martin born August 2nd year 1969. She is a pure bred "Paulinian" of Manila. Graduated in 1989 completing AB Mass Comm. She then ventured in teaching for Primary and Secondary Level for Letran College. ArchivesCategories
All
|