Sa larangan ng Pag-ibig... Magmahal ka kapag handa ka na... Di ung kapag nalulungkot ka..
0 Comments
Ang Mangmang:
Alam ang katotohanan, naririnig ang totoo, pinipili pa din maniwala sa kasinungalingan! Ayan!!! Sabi ng sabi "im over her/him, as in wala na kong nararamdaman sa kanya.. Tapos!"
Pero panay ang check ng profile nya sa fb.. Blocked nga,sa friend of friends nman titignan... Haaay.. Hindi ka pwedeng tumawid sa tulay na sinusunog mo pa!!Pwede ba! Magpakatotoo ka... Ang Tunay na pag-ibig ay pwedeng maihalintulad sa pag inom ng Kape..araw-araw iniinom, hindi nakakasawa..pag mulat ng mata, ito ang pangalawang dadampi sa mga labi natin,matapos ang isang matamis na halik sa mga mahal natin sa buhay.... Kahit napaka init ng panahon, hinahanap hanap pa din..sa gitna ng pagod at problema... Karamay natin ang kape...diba?
Sa pagkakaalam ko..Ang taong mahal ka. Hindi yung nakikita ka araw-araw.. Siya yung hinahanap ka araw-araw...
Ano? Type mo? Pa cute ka naman!!! Aaaaah... Paghanga lang.
Sige... Pero pwede bang iayos nati to sa..."Libre Tingin...Bawal Hipuin" Sabi nang Una:"Salamat dumating ka sa buhay ko..."
Sabi ng Pangalawa:"Mahal na mahal kita...Ikaw lang" Sabi ng Pangatlo:Pangako... Hindi kita iiwan... Sabi ng Pang Apat:"ikaw ang buhay ko" At... Marami pang PANGAKO at nangako na nauwi sa Pagkakapako... Sa Larangan ng pagibig, hindi kailngan ang mga PANGAKO.. Ang salitang ito'y kapag pinaghiwalay ay.. PANG-AKO... Pang sarili at Pag ako.. Hindi naman kailangan akuin ang buong mundo.. Dapat lang handa ka sa mga kabanatang masasaksihan mo... Bida ka man o hindi..Sa batas ng Pag ibig..Isa lang ang dapat mahalin... Dahil kung sadyang mapaglaro ka lng... Karapat dapat lang ang PANGAKO... Ano ba yan! Pilit mo kong binibitbit sa Pang kasalukuyan mo... Pero di mo naman mabitaw bitawan ang Nakaraan mo...di naman ako humingi ng reservation fee sayo diba?
Huwag!! Sabi huwag eh... Huwag sobra!! Wag sobrang sobra!!!!tama lang na huwag natin kalimutan mahalin sarili natin.. Ung sapat lang...diba lahat ng sobra natatapon lang? Basong puno ng tubig....punuin mo pa? Tapon db?kaya kung mas mahal natin ang sarili natin... Wag na magmahal ng iba... Dahil kung sarili lng ang gustong punuan, wala tayong pagkukunan ng ibabahagi sa iba...
Di pwede ung natapon lng ang ibabahagi natin... Di pwede....di talaga!!! Oo at Hindi lang ang sagot na pagpipilian, hirap na hirap pa...Babala:Ang taong pumapagitna at di matiyak kung Oo ba o Hindi ang kasagutan sa isang katanungan, panay depensa lang ay dapat munang aralin kung ano ang kahulugan ng OO at HINDI.. Ang tawag sa mga taong ganito ay SAFE MODE... Ikaw ba gusto mo ang computer mo sa safe mode na lng palagi?
|
AuthorKiel Ocampo Martin born August 2nd year 1969. She is a pure bred "Paulinian" of Manila. Graduated in 1989 completing AB Mass Comm. She then ventured in teaching for Primary and Secondary Level for Letran College. ArchivesCategories
All
|